Thursday, October 18, 2012

Daan sa Tagumpay, para kay Inang Kalikasan





ikaw na bonggang-bongga ka!


     Uy, sigarilyo!  Napapanahon ka,  ikaw na ang pinakatanyag sa lahat ng artista.  Pinapansin ka kahit na sa senado pa.  Ikaw na talaga, bonggang-bongga ka.










     Sinamahan ka pa nitong si pulang kabayo na sa sipa ikaw ay di mananalo.  Bakit nga ba paborito kayo ng mga tambay na tao?  Ninanais na palagi kang kahalubilo.  Kayo na talaga, bonggang-bongga kayo!



     Paano na itong mga batang paslit?Na kay haligi ng tahanan ay tunay na nakasandal.  Umaasa pa rin sa ilaw ni inay.  Naghahanap ng kalinga ni kuya at ate, upang ang kaisipang musmos ay tuluyang mahubog.




     Nakasalalay sa mga magulang ang ikauunlad ng kanilang mga mahal sa buhay.  Dahil ang batang musmos na pinakakaingatan, mapapabayaan kung hindi aalagaan.  

     Dalawa lamang ang daan ng buhay, isang tuwid at isang masalimuot nasa inyo na po ang desisyon kung anong daan ang nais ninyong tahakin.  Tungo ba sa kabutihan o sasadlak ka sa kasamaan?

     Kaya't si sigarilyo at si pulang kabayo, dapat ng unti-unting maglaho.  Para ang buhay ay maging makabuluhan at makulay.

     Dapat pahalagahan itong inang bayan upang ang susunod na salinlahi ay may maabutan.  Tulad na lamang ng sikat na kasabihan na may pahiwatig na ang ating inang kalikasan ay hindi natin minana sa atingninuno bagkus hiniram lang natin sa ating mga anak.

     Kung hindi pangangalagaan magkakaroon tayo ng mga pagbaha na maaapektuhan ang mga may buhay man o wala.  Mga buhay tulad ng mga insekto, mga halaman, lalung lalo ng ang mga mamamayan.  

     Sa pagpapabaya sa ating kalikasan pati ang mga kabundukan at kalupaan ay mawawalang buhay.  Si kawawang ozone layer ay mabubutasan.

     Sa ating mga kamay nakasalalay ang pagiging maganda nitong inang Kalikasan.  Kung tamang daan ang ating tinahak, tagumpay itong maituturing ng ating inang bayan.